May Tumawag sa Pangalan Ko.

Bakit ganito?

Posted by: Dalaga na si Ineng. ~ on: May 9, 2012

Bakit ganito?

Napansin ko lang, nitong mga nakaraang araw ay pabago-bago ang panahon at naging kulay kahel ang kalangitan.

Kurot Sa Aking Puso.

Posted by: Dalaga na si Ineng. ~ on: May 6, 2012

Panaghoy ng isang matandang lalaki na madalas pumunta sa tindahang binbantayan ko. Mahigit tatlong beses tinarak ang punyal sa aking puso nang aking marinig ang kanyang pagtangis. Mamatay na ako. Bakit? Kasi malabo na ang mata ko, sumasakit ang ulo ko. Puro ka kasi softdrinks, kinukulang ka sa tubig. Nasaan ang pamilya mo? Nag-iisa na ako. Mga kapatid mo? Patay na. Kahit mga pamangkin? Winawalanghiya nila ako.

Tumalikod ako. Inilibot ang mata sa paligid. Iniiwasang tumulo ang mga luha. Sa parte ko, napakasakit ng nararanasan niya, palaboy-laboy. Namamalimos.

Sa umaga, inaabangan na niya ang pagbubukas ko ng tindahan. Matandang lalaki na may pusong babae. May dalang tungkod. Ika-ika malakad. May burgundy brown na buhok na sobrang kintab! Matang dalawa ang direksyon. Payat at maitim.

Oy! Oh ano yun? Coke yung sakto tsaka hansel yung asul. Eto po oh. Pakigupit, wag mong lagyan ng straw ha?Sukli ko?.

Kapag may pagkakataon ay bininigyan ko na lang siya ng biskwit at tubig para din na siya magbayad. Awang-awa ako sa kanya, alam ko namang sa ganoong paraan ko lang siya matutulungan.

Sana bukod sa akin ay mayroon pang ibang magmalasakit sakanya :(

 

KABANAS.

Posted by: Dalaga na si Ineng. ~ on: April 20, 2012

Para akong nalulusaw na kandila sa gitna ng isang naglalagablab na kalsada! Napakainit! Maalinsangan sa daan. Ang singaw ng nag-iinit na bentilador, ang tambuchong naglalabas ng kasuklam-suklam na usok ay gayong sumasabay sa nakakapasong init.

Kung kaya’t sumagi sa isip ko kung paano naitatawid ng mga pilipino ang maghapong trabaho sa ilalim ng araw. Tagaktak ang pawis. Basang kili-kili. Nagmamantikang mukha ang nararanasan ng isang kapwa nating  nasusunog ang balat at nauuhaw sa daan.

Ang init na maging ang magsing-irog ay nararanasan. sa katanghaliang tapat ay nagpaparaos sa bawat isa. Mga batang nagpapatintero na di alintana ang sikat ng araw. Lalaking halos ipagsigawan ang bundat na tiyan na puno ng stretch marks. :D

Ako, kasabay ng mga alikabok na dumadampi sa aking katawan ay matindi ang pagKABANAS. Nais kong tumira panandalian sa isang freezer at lumagok ng nagyeyelong tubig.

HAPPY SUMMER! :)

Muling Pasasalamat!

Posted by: Dalaga na si Ineng. ~ on: April 11, 2012

Dumaan muli ang mahal na araw upang ating sariwain ang paghihirap at pagsasakripisyo ng ating Mahal na Si Hesus.

 

Pangatlong taon ko nang tinatahak ang landas patungo sa simbahan ng Antipolo o kung tawagin nila kada Huwebes Santo ay “Alak Lakad”. Madali lang maglakad. Sabi nga nila, ngunit para sa akin hindi ito ganoong kadali, hind ito lakad na basta at bara-bara lamang. Para sa akin ito ang pamamaraan ko ng pasasalamat at paghingi ng tawad. Pasasalamat dahil araw-araw ay hindi ko nakakalimutang gumising at huminga. Karamdamang hindi na nagpaparamdam sa akin. Patuloy na pinapasaya at ginagabayan ang mga taong nakapalibot sa akin. Oo. Makasalanan din akong tao kagaya mo. Dahil hindi ko naman maipapangakong hindi ko na ito uulitin ay inihihingi ko parin ito ng tawad.

 

Hindi ko maituturing na relihiyosa akong tao subalit mayroon din akong bagay na pinaniniwalaan. Bihira lang akong magsimba. Hindi dahil baka malusaw ako kapag pumunta ako sa simbahan, alam kong malaki ang pagkakaiba ng pagdarasal at pagkausap sa Diyos sa simbahan kesa  lumuhod sa isang sulok at magdasal.

 

Ang lakad na ito ay napakamakbuluhan para sa akin mula sa siyudad ay halos gapangin ko na paakyat ang bundok. Ni halos hindi ko na batid kung sa semento pa nakalapat ang aking mga paa. Balat ng saging, maduming element, dura ng dinosaur, pawis ng talipapa, mga espada at balisong na nakabaon sa lupa at nagtatago sa putik ay dumaan lahat sa nanggigitata kong mga paa. Mga maskels (muscles) sa binti ay naging sing tigas ng determinasyon kong matapos ang aking sinimulan, ay mali, dahil hindi ito matatapos ngunit paulit-ulit na magpapatuloy.

 

Bawat sa istasyong nadadaanan ko ay tila bumibigat, nababawasan ang paghinga, umuurong ang suot kong JAG jeans na nyort nyort. Kasabay nito ang pagpasan ng krus ni Hesus, gayong kasabay din ang dagsa ng mga taong lumalagok ng isang galong tubig.

 

Natatanaw ko na ang tuktok ng simbahan. Kinakabahan ako. Pinulot ko ang aking puso at nerbyos, binalik ko ito sa aking dibdib at nagpatuloy sa paglalakad. Kumakapal ang mga tao. Naghahalo-halo ang amoy ng Spring fresh cologne, bawang, at  di ko na malamang amoy.

Para kaming naglalakad na penguin, parang pilay iika-ika. Kanya-kanyang diskarte upang di mahiwalay sa mga kapwa namamanata. Mayroong tanikalang bakal, garter na di alam kung saan galing, pagkapit sa balikat ang pinakamatatag, matibay.

 

Sa mga sandaling iyon ay nararamdaman ko na ang huling istasyon, ang PAGKABUHAY. Dumukot ako ng barya at bumulong ng pagpapasalamat. Sinigurado kong maihahagis ko ito sa loob ng simbahan. Pakiramdam ko malapit na ako sa Kanya, di ko lamang Siya maabot. Alam kong hagkan-hagkan Niya ako at sinasabing di Niya ako pababayaan. What a relief.

 

Iginala ko ang aking mga mata sa kalawakan sa labas ng simbahan. Pinuno ito ng mga taong hapong-hapo at ginawang higaan ang  kalsada. Mga taong ginawa na ang lahat para lamang makapagpahinga.

 

At ako? Nagpahinga din tila nagsstretching kahit pagod na. Nakahinga ako ng maluwag parang lahat ng libag at masasamang molecules ko sa katawan ay nawala. Kung tutuusin nakakawala ng pagod. Kung susumahin kung gaano kahaba ang nilakad ko ay talaga naming sulit. Ang lakad na iyon ay di natapos.

 

Gusto kong Makita ang White Cross, naghintay ako ng dalawang oras mahigit para lamang masilayan ito. At di ako nabigo.

Image

Parang nawala sa paningin ko ang mga tao at ako lang pati ang Krus na iyon ang nageexist. Nawala ang mga naririnig kong hingal mula sa akin maging  yabag ng mga taong nakakayapak ng mga tuyong dahon ay naglaho. Tumigil ang oras at matagal akong nakatingin sa Krus na iyon. Kinakausap ko Siya sa aking isip.

 

Ganunpaman, Masaya ako halos walang ngang mapaglagyan, kahit parang binugbog yung katawan ko, parang pinutol ang mga binti ko ay ayos lang. Napakasulit!

Mayroon tayong kanya-kanyang pananampalataya at paniniwala. Sariling pamamaraan kung paano natin Siya sasambahin. Salamat sa Iyo dahil ito ako ngayon at hindi ako mawawala. Patuloy kitang paglilingkuran

Daga sa Puso.

Posted by: Dalaga na si Ineng. ~ on: April 10, 2012

Todo-todo na ang kaba ko! Bigayan na ng grades bukas!

Goodluck sakin. :|

Tags: ,

Saiyo ang inuman!

Posted by: Dalaga na si Ineng. ~ on: April 1, 2012

Wala siyang account sa wordpress at ako rin naman ang gumagamit ng FB niya, but still I want to greet my Papa! Maligayang Kaarawan Pa! :)

Malayo siya sa amin ngayon at nasanay na rin ako sa ganoong sistema. Naiintindihan ko. Kagaya ng ibang magulang na kumakayod para maitaguyod ang kanilang pamilya, ay ganoon din ang aking tatay.

 Malapit na siayng umuwi. Bilang nag-iisang babae sa aming magkakapatid syempre ako ang prinsesa ni Papa. Hindi na ako makapaghintay. Tila isang palabas sa sinehan at lagging inaabangan ang trailer sa telebisyon. Papa’s girl ako. Ewan ko ba, samantalang lagi siyang nasa labas ng bansa peroiyon ang nararamdaman ko. Parehas kami ng ugali lalo na yung pagiging tahimik. Halos mapanisan na ng laway dahil bihira lang magsalita.

  Si Papa na parang UFO ang pirma. Astig! Ang hirap tuloy  gayahin. HEHEEH. No words can explain how much I love my father, Kaya muli ko siyang binabati ng isang Happy Birthday!

Drawing Room.

Posted by: Dalaga na si Ineng. ~ on: March 23, 2012

Drawing Room.

Drawing Room for Programming Lecture.
At lage akong napapapikit sa sobrang antok! Malapit ako sa bintana kaya humahampas sa akin ang hangin na nagreresulta ng pagkaantok :)

*Fail sa Panorama. :D

 

Tags:

Malapit na.

Posted by: Dalaga na si Ineng. ~ on: March 23, 2012

Malapit na namang matapos ang isang semester! At last! Mas lalo akong kinakabahan. Sana maipasa ko ang mga subjects ko. :)

Paalam Tiya.

Posted by: Dalaga na si Ineng. ~ on: February 25, 2012

Pebrero 18, 2012 nang bumalik ako ng Batangas upang makidalamhati sa pagpanaw ng aking Tiya. Malungkot ako dahil ilang taon ko siyang hindi nakita at kung kalian makikita ko na siya gayong tahimik na siyang nahihimlay.

Sa labing isang magkakapatid ay nabawasan na sila ng isa. Hindi ko alam kung anong eksakatong sakit ang dumapo sa kanya na humantonjg pa sa kamatayan. Isa ito sa masakit na pangyayari sa akin at sa aking pamilya, lalong-lalo na sa aking Nanang (Lola). Kung tutuusin nga naman ay napakasakit isipin na makita ang sarili mong anak sa kabaong na sa halip na siya ang dapat mauna. Oo. Totoo. Narinig ko ito mula sa aking Nanang. Napakasakit daw na nauna pa ang anak niya sa kanya.

Ang dalawa niyang supling ay labis ang pagtangis. Ang panganay niyang anak ay di man lang siya nahagkan sa huling pagkakataon. Nakasakay kasi ito sa barko noong mga panahong may sakit ito. Ang bunso naming anak ay nasa piling nito ng mga sandaling iyon. Ang aking Tiyo ay labis rin ang paghihinagpis. Sino nga naman ang hindi masasaktan na ang iyong minamahal na pinangakuan kang sasamahan ka sa huli ay pumanaw na, nawala at hindi babalik.

Maikli lang ang buhay and make the most out of it. Kung sa masakit mang pamamaraan ang pagkuha ng buhay na ating Panginoon, ay ganoon talaga. Marapat-dapat nating itong tanggapin sapagkat ito’y kanyang pagkaloob.

At sa aking Tiya, mamimiss po kita. Nasa sa iyo na ang kapayapaan, alam naming na hindi kana mahihirapan pa.

Patuloy parin.

Posted by: Dalaga na si Ineng. ~ on: January 28, 2012

Kailan nga ba ako huling kinilig? Bukod sa mga teleseryeng napapanood ko at sa mukha ni Coco Martin na ngumingiti sakin? Hindi ko na marahil maalala. Hinahanap-hanap ko ang mga gayong pakiramdam, though sa panahong ito ay magiging destruction lang ito sa pag-aaral ko. Ngunit isa ito sa mga sangkap sa buhay. Ang magmahal, ang mahalin.

Isang beses ko lang siyang minahal, pagkatapos noon ay hindi na siya nawala sa isip ko lalong-lalo na sa puso ko. Ang unang lalaking nagpaiyak sa akin. Ang dumurog ng damdamin ko. At sa bandang huli siya parin. Kahit sa hinagap ay siya ang nakikita ko, sa panagingip. Nung nagkahiwalay kami tatlong taon na ang nakakalipas ay para lang akong tangang bata. Sa totoo lang mahirap din naman ang kalagayan naming noon dahil parehas kaming malayo sa isa’t-isa. Long distance relationship kumbaga.

Dumating yung panahong pumunta siya sa Maynila at nagtagpo ang aming landas. Noong papalapit na siya sa akin, parang napako ang paa ko at di makahakbang. Ilang dipa palang ang layo niya sa akin ay naaamoy ko na siya, ang hampas ng hangin sa kanyang buhok at mukha. Ang kumpas ng kanyang kamay, ang tindig ng kanyang katawan. Ang pagkakataong nasa harapan ko na siya ay para akong saranggola at magpapatangay sa hangin na mas malakas pa sa signal no. 3.  Lumapat ang kanyang kamay sa akin at sa mga sandaling iyon ay parang ayaw ko na siyang pakawalang muil.

Kung nagkabalikan kami? Hindi. Eh anong tawag doon? Wala. Pagkakataong lang talaga namagkita kami. Masaya ang pagkikitang iyon, ang karanasang siya ang kasama ko ang hinding-hindi ko maipagpapalit.

Pagkatapos nang tagpong iyon ay balik na naman sa dati. Tanggap ko na, na mayroong tamang panahon para sa lahat. Kailangan ko lang maghintay, maski sa wala. Masama bang umasa? Para sa akin depende, ngunit sa pagkakataong ito, alam kong hindi. Kung tutuusin mahirap ang makulong sa alaala ng taong di mo alam kung babalikan ka pa at pasisiyahin pang muli.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 26 other followers